Tadisyunal
na panliligaw
Nakagawian na nating mga Pilipino ang
panunuyo o panliligaw upang mapasagot ang ating mga nililigawan .Noon pa lamang
ay napapansin na ito sa ating mga ninuno upang mapasagot ang dalagang kanilang nililigawan .Ang mga kaganapang ito
ay kadalasang makikita lamang sa mga baryo o mga probinsya.
Maraming
mga paraan kung paano manligaw sa makalumang pamamaraan, tulad na
lamang ng panghaharana ito ay ang pinaka makasaysayan sa aspekto ng panliligaw
dito sa Pilipinas ,ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag aalay ng mga kanta
ng pag ibig para sa kanilang dalagang iniiirog .
Isa rin
sa mga paraan ang pagbibigay ng mga rosas at iba pang mga bulaklak para
maipakaita ng isang binata ang kanyang sinseridad sa kanyang nililigawan.Pati
rin ang panunuyo sa mga magulang ng isang dalaga,karaniwang ipinapagawa ng mga
magulang ng isang dalaga ang mga gawaing bahay ,tulad ng pag- iigib,pag sisibak
ng kahoy ,at paglilinis ng bahay ang mga bagay na ito tanda ng pagpayag ng mga
magulang upang ipaubaya ang kanilang anak na ipakasal sa binatang iyon .
Napaka ganda talaga sa pakiramdam ang suyuin sa makalumang paraan, dahil
makikita mo talaga ang sinseridad ng isang tao sa pag ibig niya sayo ,ngunit sa
pagdaan ng mga taon ay hindi na ito masyadong nasasaksihan dahil ibaang iba na
ang istilo paraan kung paano ang panliligaw.
No comments:
Post a Comment