Dinagsa ng mga turista ang Baguio City upang gunitain ang Panagbenga 2019 noong Marso 2 at 3.
Umagang-umaga pa lamang ramdam na agad ang dami ng turista sa Baguio.Ang iba ay nagtayo ng mga paghihigaan nila sa ibat- ibang parte sa Burnham Park,makapanood lng ng Street Dancing parade na ginanap noong Marso 2.
Kahit mainit at madaming tao,napuno pa rin ang Session Road,Harrison at pati na rin ang athletic,kung saaan doon naganap ang kompetisyon ng ibat-ibang paaralan.Sinumulan ang parada sa Panagbenga park hanggang Athletic.
Sinundan naman ng Grand street float parade na pinagpiyestahan ng mga turista dahil kasama dito ang mga sikat,naggagandahan at naggwagwapuhang mga artista.Kasama dito sina Angel Locsin,Melai Cantiveros,Bubay,Tekla,Janine Gutuerrez,Tom Rodriguez at iba pa.
Ramdam ang Sikip at init sa paligid ngunit Hindi parin tumigil at patuloy pa rin ang saya sa pagdiriwang ng Panagbenga sa Baguio maipakita lang ang Tatag at Pagsisikap ng mga mamamayan ng Baguio upang mapasaya ang mga turista.
Ikinabahala naman ng mga mamamayang dahil sa mga natira at iniwang mga basura ng mga tao.Gayoon pa man hindi pa rin tumitigil ang kasiyahang nadarama sa lungsod ng Baguio City.
No comments:
Post a Comment