Thursday, March 21, 2019



                           Panitikang mapagmamalaki

                 Kinagisnan na mga pinoy mga panitikang gawa ng sariling atin at hinding hindi makukuha ng mga banyaga.Patok ito sa iba’t ibang lugar dahil sa kakaiba at malikhaing gawa. Isa sa mga halimbawa rito ang Florante at Laura na sulat ni Francisco Balagtas, sinulat niya ito ng paawit at may tayutay na napagmalaki dahil ginawa niya ito upang hindi mahalata ng mga mananakop ang nais nito,sa obra maestra nito nakalahad rito ang mga kasamaang ginawa ng mga mananakop upang pahirapan tayo.
      
Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-guni.Bahagi ng mga ito ay ang mga pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandamang mga tao. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. Ito rin ang isang dahilan kung bakit lumalaban at nakalaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga mararahas na banyaga.

     Sana’y manatili ang mga Panitikan na pinaghirapan at ginawa ng mga kapwa natin Pilipino kahit dumaan ang maraming panahon at paunlarin din sana ang mga ito.




Wednesday, March 20, 2019

Tradisyunal na kasalang Tagalog


Isa sa mga tradisyon ng halos lahat ng mga bansa ang pagpapakasal,ngunit sa Pilipinas marami ang mga tradisyunal na paraan ng pagpapakasal kagaya ng Ilokano, kankanaey, Bisaya, Tagalog at marami pang iba ngunit ang pinakapaguusapan natin ngayon ay kung paano ang Tradiayunal na pagpapakasal ng mga Tagalog,paano nga ba? Sa tradisyunal na kasalang Tagalog nauuna ang ang pamamanhikan kung saan magpapaalam ng maayos ang lalaki sa mga magulang ng babae, kasama na rito ang pagpaplano ng kasala ng dalawa. Pagkatapos ng pamamanhikan susunod ang paghihinuyo kung saan maiiwan ang lalaki sa bahay ng babae upang tumulong sa pamilya ng babae, katulad ng ibang mga ethbic groups ang lalaki ay magsisibak ng kahoy, mangingisda at marami pang iba, Ang susunod dito ang mismong kasalan,ihahatid ang babae ng kanyang ama at magmamartsa papunta sa lalaki,pagkatapos magalang na kukunin ng lalaki ang kamay ng bababe mula sa ama nito habang sinasabi ng ama ng babae na "alagaan mong mo ang anak kong mabuti". Matapos ang pagtatanggap ay magsusumpaan sa harap ng alatar ang babae at lalaki bilang sinyales na sila ay mag iisang dibdib,sabay naman itong magmamartsa palabas ng altar at sasalubungin sila ng kanilang mga kaibigan at mga ka anak. Pag kauwi ay mag sasayaw ang baging kasala at habang nagsasayaw ay kakabitan sila ng mga pera sa kanilang damit na sumisimbolo ng magandang pagsasama, kinabukasan at swerte,at iyon ang tradisyonal na kasala ng mga tagalog



Tadisyunal na panliligaw
          Nakagawian na nating mga Pilipino ang panunuyo o panliligaw upang mapasagot ang ating mga nililigawan .Noon pa lamang ay napapansin na ito sa ating mga ninuno upang mapasagot ang dalagang  kanilang nililigawan .Ang mga kaganapang ito ay kadalasang makikita lamang sa mga baryo o mga probinsya.
          Maraming mga paraan  kung paano  manligaw sa makalumang pamamaraan, tulad na lamang ng panghaharana ito ay ang pinaka makasaysayan sa aspekto ng panliligaw dito sa Pilipinas ,ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag aalay ng mga kanta ng pag ibig para sa kanilang dalagang iniiirog .
          Isa rin sa mga paraan ang pagbibigay ng mga rosas at iba pang mga bulaklak para maipakaita ng isang binata ang kanyang sinseridad sa kanyang nililigawan.Pati rin ang panunuyo sa mga magulang ng isang dalaga,karaniwang ipinapagawa ng mga magulang ng isang dalaga ang mga gawaing bahay ,tulad ng pag- iigib,pag sisibak ng kahoy ,at paglilinis ng bahay ang mga bagay na ito tanda ng pagpayag ng mga magulang upang ipaubaya ang kanilang anak na ipakasal sa binatang iyon .
            Napaka ganda talaga sa pakiramdam ang suyuin sa makalumang paraan, dahil makikita mo talaga ang sinseridad ng isang tao sa pag ibig niya sayo ,ngunit sa pagdaan ng mga taon ay hindi na ito masyadong nasasaksihan dahil ibaang iba na ang istilo paraan kung paano ang panliligaw.

Sunday, March 10, 2019

Panagbenga at Mga Turista: Dagdag Kita o Dagdag Problema?

Mga pista. Ang mga ito ang hinihintay-hintay, lalo na rito sa Pilipinas kung saan napakarami ng mga ito. At tuwing may pista, siyempre ay may katuwaan, kainan, at iba pang masasaya at magagandang pangyayari at gawain.

Ngunit sa kabila nito, may mga nakasasama at negatibo ring epekto ang mga pista sa mga lugar kung saan ginaganap ang mga ito.

Kamakailan lang ay ginanap ang  Grand Float Parade at Street Dance Parade sa Lungsod ng Baguio para sa Panagbenga Festival. Maraming turista ang nagpunta sa lungsod para lamang matunghayan ang magarbong pista.

Pero pagkatapos naman nito ay naglipana ang mga kalat sa Session Road kung saan ginanap ang mga parada. Matapos panoorin ang dalawang parada ay sinira naman ang ganda ng lungsod at dinumihan pa ito. Ganito rin ang nangyari noong nakaraang taon at sa iba pang nakaraang pista.

Bago pa man magsimula ang Panagbenga ay pinaalalahanan na ang mga bibisita sa lungsod na magkaroon ng disiplina pagdating sa kanilang mga basura at pangalagaan ang ganda at kalinisan ng lungsod mula pa sa mismong pamahalaan nito.

Ngunit sa bandang huli ay nanaig pa rin ang tigas ng ulo at maling pag-iisip ng nakararami sa mga turista. Pati ang ilan sa mga mismong mamamayan ng lungsod ay nakisama sa kanila. Kaya naman nang matapos ang mga parada ay maraming nilinisan ang mga streeet sweeper kung saan-saan.

Ito ay taliwas sa pagkakakilala sa atin ng iba na may galang at marunong sumunod sa iba.
Pero sa kabila nito, may mga sumunod pa rin naman kahit iilan lang. May mga turistang nagtapon ng basura sa dapat na kalagyan ng mga ito at hindi ginaya ang nakararami. Mas pinairal nila ang kanilang disiplina at ginalang ang lungsod. Kaya naman malaki ang pasasalamat ng mga taga-lungsod para rito.

Sa susunod pang mga pista ay hindi pa rin maiiwasan na mauulit pa rin ang ganitong klase ng pangyayari, ngunit inaasahan pa rin na mababawasan na ang mga kalat na iiwan ng mga turista sa susunod. At para maisakatuparan ito, kailangang mas pairalin na nila ang kanilang disiplina at maging mas mahigpit pa ang lokal na gobyerno sa pagpapatupad ng mga patakaran sa lungsod.

Ugali Noon, Trip na lang Ngayon


“Mano po itay, mano po inay.”
Iyan ang madalas na sabihin at gawin ng mga kabataan noon sa kanilang mga magulang kung madadatnan nila ang kanilang ina't ama na nasa tahanan o kaya naman ay dumating sila mula sa trabaho. At hindi lamang ito ginagawa at sinasabi sa mga magulang, kundi pati rin sa mga lolo at lola, tito at tita, o sino pa mang mas nakatatanda.
Para sa mga magulang, isa ito sa mga pinakamasarap na marinig mula sa kanilang mga anak. Ito ang nagpapakita ng paggalang ng kanilang mga anak sa kanila. Isa rin ito sa nagpapakita na ang relasyon nila bilang magkapamilya ay mayroon at matibay pa rin.
Ngunit sa panahon ngayon, ang pagmamano ay isinasagawa na lamang ng ilan sa mga batang Pinoy. Ang dating nakasanayang gawain natin at isa sa mga rason kung bakit kilala ang tradisyon at kaugaliang Pilipino sa ibang bansa ay unti-unti nang kumukupas dahil na rin sa pagbabago ng panahon at impluwensya ng ibang bata.
May mga pagkakataon na kailangan pang sabihin sa atin na magmano tayo bago natin ito isagawa. May mga pagkakataon pa nga na ang mga sinasabihan pa ang nagagalit. Ito ay dahil sa iniisip nila na ang pagmamano ay hindi na kailangang gawin dahil wala raw itong kwenta, masyadong makaluma, o kaya naman ay nawawala na talaga ang kanilang paggalang sa nakatatanda.
Pero kahit ganito pa man ang sitwasyon, maaari pa rin natin itong maituwid, lalo na ng mga batang gaganap sa susunod na henerasyon. May iba't ibang paraan upang ang kaugaliang ito ay maipasa pa.
1. Ang ilan sa magulang natin ay sinasabihan tayo ng, “Anak, pagtanda mo, ituro mo ito sa mga apo ko ha.” Isa ito sa mga magagandang paraan para magabayan ang ating mga anak, at maging mga apo, para sa kanilang hinaharap. Sa murang edad pa lamang ay naitutwid na sila at natuturuan kung paano nga ba nila mapapalaki nang tama at wasto ang kanilang mga magiging anak.
2. Normal sa ina o ama na pagsabihan ang kanilang mga anak. Sinasabi kung ano ang tama at kung paano ito naging tama, at ang mali't kung paano ito naging mali. Isa na rito ang pagmamano at ang kahalagahan nito. Maganda na hangga't kaya pa natin na sila ay magabayan ay ginagawa na natin ang dapat.
3. Kung sa pagkabata pa lamang ay napapansin na natin na iba ang kanilang pag-akto sa dapat na gawin nila, nararapat lang na ituwid na natin sila. Kung hindi sila nagmamano ay dapat na silang turuan.
Sa panahon ngayon, mas nananaig na ang mga kaugaliang banyaga kaysa sa sariling atin. Ngunit kung nais nating mapanatili natin ang mga ito, dapat natin itong ipasa sa susunod pa na henerasyon.

Saturday, March 9, 2019

Pagbisita ng mga turista sa Panagbenga 2019

Dinagsa ng mga turista ang  Baguio City upang gunitain ang Panagbenga 2019 noong Marso 2 at 3.

Umagang-umaga pa lamang ramdam na agad ang dami ng turista sa Baguio.Ang iba ay nagtayo ng mga paghihigaan nila sa ibat- ibang parte sa Burnham Park,makapanood lng ng Street Dancing parade na ginanap noong Marso 2.

Kahit mainit at madaming tao,napuno pa rin ang Session Road,Harrison at pati na rin ang athletic,kung saaan doon naganap ang kompetisyon ng ibat-ibang paaralan.Sinumulan ang parada sa Panagbenga park hanggang Athletic.

Sinundan naman ng Grand street float parade na pinagpiyestahan ng mga turista dahil kasama dito ang mga sikat,naggagandahan at naggwagwapuhang mga artista.Kasama dito sina Angel Locsin,Melai Cantiveros,Bubay,Tekla,Janine Gutuerrez,Tom Rodriguez at iba pa.
Ramdam ang Sikip at init sa paligid  ngunit Hindi parin tumigil at patuloy pa rin ang saya sa pagdiriwang ng Panagbenga sa Baguio maipakita lang ang Tatag at Pagsisikap ng mga mamamayan ng Baguio upang mapasaya ang mga turista.

Ikinabahala naman ng mga mamamayang dahil sa mga natira at iniwang mga basura ng mga tao.Gayoon pa man hindi pa rin tumitigil ang kasiyahang nadarama sa lungsod ng Baguio City.